34

Jun 23, 2022 @ 16:10
By

Toni Fowler ibinida CEO na ng isang kumpanya

Ibinalita ni Toni Fowler na bukod sa pagiging isa sa mga sikat na YouTube vlogger ay isa na rin siyang business woman.

Sa TikTok, sinabi ni Toni na nakatatanggap umano siya ng pambabatikos mula sa mga netizen ukol sa kanyang pagba-vlog.

“‘Wag daw akong umasa sa views at magtrabaho ako ng totoo. Ang hindi nila alam, CEO ako ng isang kumpanya,” saad ni Toni sa TikTok.

Ayon kay Toni, ang kanilang dating bahay ay ginawa na niyang office para sa naturang business.

Nagsagawa rin ang vlogger ng mabilisang office tour sa TikTok.

Dagdag pa nito, ngayon lang umano niya ito inamin sa publiko.

https://vt.tiktok.com/ZSd3CGSaR/?k=1

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?