24

Jan 19, 2021 @ 14:57
By

Toni dinonate TF sa mga natanggal na ABS-CBN employee

Ibinigay na lamang ni actress Toni Gonzaga ang talent fee niya sa mga natanggal na manggagawa ng ABS-CBN matapos hindi ma-renew ang prangkisa ng network.

Ibinunyag ni ABS-CBN Film Productions Inc. Managing Director Olivia Lamasan ang kawanggawa ni Toni sa Jan. 17 episode ng talk show ng aktres na “I Feel U” para sa upcoming birthday nito sa Jan. 20.

“Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema,” pagbati ni Lamasan kay Gonzaga.

“Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us,” dagdag niya.

“Alam niyo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, ‘di ba anak? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nung inorder po ng Congress na i-shutdown kami,” pag-alala pa ni Lamasan.

“I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo, Toni. Maraming-maraming salamat,” patuloy pa ng direktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?