268

Jun 1, 2019 @ 20:12
By

Tone-toneladang tilapia patay sa fish kill sa Taal Lake

Mahigit 600 tonelada ng tilapia na nasa P42.9 milyon ang halaga ang namatay sa fish kill na tumama sa Taal Lake sa Batangas.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagkaproblema umano ang may 121 fish cages sa mga village ng Buso-Buso at Gulod sa bayan ng Laurel at Bañaga sa Agoncillo.

Maaga pa lang ng Mayo 26 ay nag-anunsiyo na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng babala na umabot na sa mababa at delikadong antas ang oxygen sa lake water.

Noong Biyernes ay binigyan ng DENR ng 24-oras ang mga fish cage owner para hakutin lahat ang mga patay na isda.

Samantala, siniguro naman ni DENR Calabarzon Region head Maria Paz Luna, na hindi tataas ang presyo ng mga isda dahil sa fish kill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?