25

By

Tom, Suri 5-taon nang hindi nagkikita

Sharing is caring!

Limang taon na palang hindi nakikita ng Hollywood superstar na si Tom Cruise ang kanyang anak kay Katie Holmes na si Suri Cruise.

Huling nakasama ni Tom si Suri ay 7-years old pa lang ito. Ngayon ay 12 years old na si Suri at gustong mag-reach out ng aktor sa kanyang anak.

Pero magiging malaking problema ito kung saka-sakali dahil sa posisyon ni Tom sa Scientology community, pinagbabawal si Suri na makipagkita or kausapin ang kanyang ama.

Ito raw kasi ang napagkasunduan ng community sa ex-wife ni Tom na si Katie. Noong mag-divorce sila in 2012, bawal nang mag-communicate ang mag-ama. Kahit na banggitin ang name ni Suri sa mga interview ng aktor ay pinagbabawal ng Scientology.

“Tom couldn’t reach out because Katie fled the religion.

“Tom wields a lot of power in the church and sees himself as an important person. He believes he can bypass the rigid rule.

“It’s not surprising that Suri is confused by the lack of communication between her parents.

“She’s growing up, asking more questions and it’s becoming harder to shield her from the whispers. She wants to speak to her dad,” ayon sa isang source ng OK! magazine.

Pero gumagawa raw ng effort si Tom na kahit paano ay maparamdam niya sa kanyang anak na nami-miss niya ito. May mga secret phone call daw na ginagawa ang aktor at nagpapadala ito ng letters sa bata. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?