47
Tom Rodriguez naospital dahil sa allergy
By

Tom Rodriguez naospital dahil sa allergy

Ikinuwento ni Tom Rodriguez ang hindi inaasahang pagkakaospital niya dahil sa allergic reaction.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang litrato niya habang nakahiga sa hospital bed maging ang namuong pantal niya sa braso.

Kasalukuyang nasa Texas, USA para sa isang event ng Kapuso Network si Tom.

Ayon kay Tom, nagising na lang siyang nangangati, feeling hot at nahihirapang huminga.

Hindi niya alam kung ano ang nag-trigger sa allergy niya pero huli umano siyang kumain ng pinya na binili niya sa isang local supermarket.

“Good thing I had some prednisone for some allergies and took that right away with antihistamine and was able to call for help,” sabi ni Tom.

Agad naman umano siyang nagamot sa ospital at back in shape na uli.

View this post on Instagram

What a day! Woke up itching, feeling hot and couldn’t breath with hives/inflammation all over my body, face and throat(not sure yet sa cause but i ate some pinapple from walmart before bed)…good thing I had some prednisone for some allergies and took that right away with antihistamine and was able to call for help. The hospital staff were all amazing and had me back in tip top shape right away…although I wasn’t able to ride the rocket, I did get to spend time at the Houston consulate and met the amazing people who hold that fort down as well as our fellow kapusos and kababayans who were there getting their passports…nakiusap sana ako kung pwedeng umawra para sa passport pic ko…kaso may flight ako agad kaya baka di kaya in ahahaha 😉 boarded na ako ngayon sa flight ko headed to phoenix to see my family!!! Woot!!! What an adventure of a day 🙂 nakatour pa ako ng ospital….no need to worry, I have meds and I am A-OK!! :):):) #adbentyurnitomas #mangtomasdiaries

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?