106
tom-rodriguez
By

Tom Rodriguez may trauma sa walwalan

Sa programang Tonight With Arnold Clavio ay nagkuwento ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez ng kanyang naging wildest experience noong minsang pumunta siya sa Hong Kong.

Ayon kay Tom, nagising daw siya sa isang lugar sa HK at hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Intern daw si Tom noong pumunta siya sa HK at naisipan niyang pumunta sa Lan Kwai Fong, isang party district sa HK kunsaan nandoon ang mga club.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nagising na lang daw si Tom na nasa Lantau Island na siya.

“Kasi kailangan mong mag-ferry papuntang Lantau, eh. Paglabas ko, may baka, para siyang countryside.

“Sabi ko, ‘’Nasaan ako?’ Suot ko ‘yung suot nung gabi pa,” natatawang kuwento ni Tom.

Tinawagan daw ni Tom ang kanyang kaibigan para alamin kung paano siya nakarating ng Lantau Island. Para raw kasing panaginip ang lahat para sa kanya ang paggising niya sa ibang lugar na hindi niya alam.

‘Yun pala ay napasobra ang inom ng alak ni Tom sa isang club at naglakad-lakad ito, sumakay ng bus na nagdala sa kanya sa ferry na nagdala sa kanya sa Lantau Island.

Dahil sa nangyaring iyon, hindi na raw nag-clubbing na ulit si Tom. Homebody na raw siya ngayon dahil ayaw niyang mangyari ulit ang mawalwal siya at magising sa ibang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?