By

Tom, payag magpakita ng kargada sa pelikula

Sharing is caring!

Sayang at hindi ni-require ni Direk Joel Lamangan si Tom Rodriguez na mag-frontal nudity sa lalabas nilang movie na “The Significant Other” na pinagbibidahan din nina Lovi Poe at Erich Gonzales under Cineko Productions dahil payag naman pala ang Kapuso actor na magpakita ng kanyang kargada sa pelikula.

Well, hindi naman siguro kailangang mag-frontal ni Tom sa movie lalo’t hindi naman indie ang project na pang-mainstream ang buong production sa laki.

Kasi sa panayam namin kay Tom sa presscon ng movie noong nakaraang linggo na ginanap sa Higher Grounds Café & Net shop, walang isyu sa kanya kung kinakailangan siyang mag-frontal sa kahit na anong pelikulang gagawin niya.

Ayon kay Tom, hindi na bago sa kanya ang makitaan ng kanyang sandata dahil ilang beses na rin siyang nabosohan ng mga stylist sa pagmomodelo niya noon.

Hindi raw kasi maiwasang hindi siya makitaan lalo’t pagdating sa mga modeling projects, may mga pagkakataong hindi nila kinakailangan pang mag-inarte.

Ni-reveal din ni Tom na naging nude model siya noong college days sa art class nila kapag wala silang makuhang model.

Sila-sila na rin daw ang nagpo-pose para lang mairaos ang kanilang session lalo’t wala silang pambayad para sa modelo.

Kuwento pa ni Tom, ilang oras siyang nakatayo o nakaupo nang walang saplot at nasa harap ng mga painter kaya balewala na sa kanya ang maghubo’t hubad at magpakita ng kanyang ‘junjun’.

Ang malaking concern lang ni Tom ay kung makakaya raw ba ng nanay niyang mapanood ang eksena niyang nakaluwa ang kanyang batuta.

Siyempre, ang kasintahan din niyang si Carla Abellana ang iniisip ng aktor kung ano ang magiging pakiramdam nito.

Kung payag ang dalawa sa kanyang frontal nudity, kahit anong pelikula basta kailangan ay walang alinlangang magpapakita siya ng kanyang ‘well-endowed tool’.

Hindi diretsahang inamin ni Tom kung totoo bang mala-kabayo ang kanyang sandata na siyang naiwang impression ng mga tao na nanood ng “Bench Under The Stars” anniversary show sa MOA Arena kung saan nakalaylay na parang patola sa suot nitong brief ang kanyang kargada.

Natatangi si Tom nang gabing ‘yun sa laki at haba ng kanyang alaga, na nagpataob kahit sa mga foreign model.

Sey na lang ni Tom sa interview namin, wala siyang magagawa kung ano ang ibinigay sa kanya ng Diyos at hindi naman niya puwedeng sabihin sa doktor na retokehin ang natural resources niya.

Pero ayon sa kanya, hindi naman siya naiiba sa mga lalaki, nataon lang na gumamit siya ng net spray, na hindi naman niya in-explain kung inispreyan ba niya ang kargada niya o ipinasok ito sa loob ng kanyang brief para magmukhang malaki.

Anyways, hindi pa rin mabibigo ang mga nagpapantasya kay Tom sa TSO dahil ilalabas pa rin ng aktor ang kanyang kamachohan at puwet niya sa pumping scene kay Lovi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?