96

Nov 19, 2021 @ 20:44
By

Tom payag maging ‘ander de saya’ kay Carla

Inamin ni Tom Rodriguez na gagawin niya ang lahat upang maging happy wife si Carla Abellana.

Walang pag-aalinlangan niya itong sinabi sa “Mars Pa More”.

Aniya, kahit pa maging “ander de saya” siya.

“Oo! Oo! Happy wife, happy life! Pero willingly, gladly and willingly. Ibibigay ko sa‘yo ang pantalon,” ani Tom sa tanong ng host na si Kuya Kim Atienza.

Tinanong naman kay Carla kung nirerespeto nito ang lalaking sumusunod sa asawa.

“Of course naman, karespe-respeto. Whether or not under the saya,” sambit ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?