400

Oct 25, 2021 @ 21:15
By

Tom kay Carla: Nabakuran ko na sa wakas!

Super happy ang aktor na si Tom Rodriguez dahil sa wakas ay mag-asawa na sila ni Carla Abellana.

Nagbiro pa siya na sa wakas daw ay nabakuran na niya ang isang napakagandang binibini.

“Wala lang…flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas!” caption ni Tom sa ipinost niyang litrato habang nakasuot ng wedding suit.

“Pero siyempre papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin! Thank you for making me look and feel every bit as worthy for my beautiful bride/wife! WOOOOOOOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!!!” dagdag niya.

October 23 ikinasal sina Carla at Tom sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas makalipas ang pitong taong relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?