102

Oct 21, 2018 @ 21:46
By

Tolomia, Durham nanalasa sa Meralco, wagi kontra ROS

Tuloy ang pananalasa ng Meralco, kinuryente ang Rain or Shine, 92-81, sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Sa likod ng balanseng scoring ay tinuhog ng Bolts ni Norman Black ang pangatlong sunod na panalo ay 4-6 card sa PBA Governors Cup.

May kumukuti-kutitap pang tsansa sa quarterfinals ang Meralco, kailangan munang alpasan ang huling asignaturang San Miguel Beer sa Nov. 3 at umasa na sasapat ang 5 wins para umusad.

Top 8 lang ang aabante sa playoffs pagkatapos ng 11-game eliminations.

Nabaon sa 2-6 ang Elasto Painters, magkukumahog din na maipanalo ang huling apat para makaabante.

Anim na Bolts ang umiskor ng 10 pataas, sorpresa ni Black si Mike Tolomia na may 17 points mula sa 6 of 12 shooting at 3 for 7 sa 3-point range.

May 19 points at 20 rebounds si Allen Durham sa Bolts, nag-deliver ng 14 si Cliff Hodge at 12 si Chris Newsome.

May tig-6 sina Tolomia, Newsome at Durham sa 27 assists ng Meralco.

Pagkatapos ng huling deadlock sa 74-74, nagkasa ng 12-2 blitz ang Bolts na tinapos ng layup ni Newsome para lumamang ng double digits, 3:12 sa laro.

Nalimitahan sa 14 points mula sa 6-of-13 shooting lang si Painters import Terrence Watson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?