29

Tolomia, attack guard ng Meralco Bolts – Black

Sharing is caring!

Malaking tulong si Mike Tolomia sa Meralco Bolts, ayon kay coach Norman Black.

Ani Black, may plano siya kay Tolomia at magagamit niya ito sa kampanya ng Bolts na makatungtong sa unang pagkakataon sa semis ng PBA Philippine Cup.

“Mike is a big part of our team, that’s why we got him because he can score,” ani Black patungkol kay Tolomia sa PBA, na nakuha ng Meralco sa one-on-one trade sa Rain or Shine kapalit ni Ed Daquioag.

Tumagal lang ng dalawang conference sa E-Painters ang 24-anyos na si Tolomia bago dumaong sa Bolts sa nakaraang Governors Cup, kung saan humalili siya kay starting guard Baser Amer at tumulong sa best-of-seven finals nila kontra Barangay Ginebra.

“Basically for us, he will be an attack guard, he will be a guy out there who will be looking to score,” dagdag pa ni Black.

Pinatunayan din ni Tolomia ang gilas nang magpasabog ng 21 points sa second half ng laban nila sa three-time defending champion San Miguel kabilang na ang 5-of-9 mula sa three-point range.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?