93
Toll hike sa NLEX ikakasa sa Marso 20
By

Toll hike sa NLEX ikakasa sa Marso 20

Magbabayad ng karagdagan sa toll fee ang mga motorista na gagamit ng North Luzon Expressway (NLEX) simula Marso 20.

Ayon sa NLEX Corporation, kabilang umano sa naturang adjustments na inaprubahan ng Toll Regulatory Board ang dagdag na toll rate na P6 para sa open system, kapag nakumpleto na ang Harbor Link Segment 10.

Kabilang din sa dagdag na toll rate ang first tranche ng inaprubahang periodic adjustments due noong 2013 at 2015, na dagdag na P4 sa open system habang P0.18 kada kilometro naman sa closed system.

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga Class 1 vehicle o ordinaryong mga sasakyan na bumibiyahe sa mga bahagi ng Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon, Meycauayan at Marilao ay magbabayad ng dagdag na P10 hanggang P55 mula sa kasalukuyang P45.

Ang mga Class 2 vehicles naman na kinabibilangan ng mga bus at maliliit na trak ay may dagdag na P23 hanggang P137 mula sa P114.

Habang ang Class 3 vehicles o mga malalaking trak at trailer ay may additional pay na P29 hanggang P646 mula sa dating P590.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?