34

By

Tolentino, Titans tigasin

Hinataw ng Choco Mucho Flying Titans ang 19-25, 25-21, 25-15, 28-26 panalo laban sa Motolite sa unang laban ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Humagupit ng game-high 27 points si Kat Tolentino mula sa ginawa niyang 22 attacks at 4 blocks upang ibigay sa Choco Mucho ang ikaapat na sunod na panalo.

Umagapay rin si Maddie Madayag ng 15 points mula sa 12 kills at 3 blocks para iangat ang koponan sa 6-6 panalo-talo kartada.

“They’re working hard in practices, sacrificing a lot, they’re committing their lives for this,” ani coach Oliver Almadro. “We’re executing at naniniwala sila sa sistema at naniniwala sila sa bawat isa.”

Wala namang nagawa ang tig-14 points ni Jessma Ramos at Isa Molde upang ibalik sana ang Motolite sa winning column matapos makatanggap rin ng mapait na talo kontra Air Force.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?