9

Jun 11, 2021 @ 17:20
By

Tolentino sa IATF: Huwag pahirapan mga Cebuano

Nagpahayag ng suporta si Senador Francis Tolentino sa tinatawag na ‘swab upon arrival’ policy ng Cebu provincial government para sa mga pasahero mula sa international flight na dumarating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ayon kay Tolentino, hindi na dapat pahirapan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dumarating na mga pasahero sa Mactan kung saan karamihan ay mga Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi lang sa bansa dahil nawalan ng trabaho abroad dulot ng COVID-19 pandemic.

“Dagdag pahirap lang po sa mga pauwi nating kababayan. Marami po sa kanila ay napilitan lamang umuwi dahil nawalan sila ng trabaho sa ibayong-dagat dahil sa pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan,” sabi ni Tolentino.

Ang mga dumarating na OFW at Pinoy na nakabase sa abroad ay kinakailangang sumailalim sa mandatory RT-PCR COVID-19 swab test sa kanilang pagdating sa MCIA sa ilalim ng Executive Order No. 17 na inisyu ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.

Ang naturang polisya ng Cebu Provincial Government ay nagresulta sa aksiyon ng gobyeno an i-divert ang lahat ng Cebu-bound international flight sa flights Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sabi ni Tolentino, chair ng Senate committee on local government, ang pag-divert ng lahat ng Cebu-bound international flight ay makakadagdag lang ng pagkabalisa sa lahat ng mga dumarating na pasahero lalo na ang mga OFW na nawalan trabaho dahil nangangahulugan ito ng dagdag ng gastusin para sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?