38

Jun 25, 2020 @ 20:18
By

Tolentino sa DepEd: Handa na ba sa pagbubukas ng klase?

“Will the Department of Education (DepEd) be ready for the opening of classes on August 24?

Ito ang tanong ni Senador Francis Tolentino matapos kuwestiyunin ang kagawaran sa kakayahan nitong sanayin ang lahat ng mga guro sa pampublikong paaralan bago magsimula ang klase sa Agosto 24.

Sa pagdining ng Committee on Basic Education, Arts and Culture, ibinunyag ni Tolentino na 337,486 public school teachers pa lamang nasasanay ng Information, Communications Technology Service (ICTS) on Information and Communication Technology-based instruction ng DepEd.

“The figure is just about 40 percent of the total public school teaching population of more than 800,000. Malapit na po iyong August 24 school opening so paano po ito?” tanong ni Tolentino sa mga opisyal ng DepEd.

“Kung ready na po iyong 40 percent, papaano po iyong 60 percent?” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Tolentino na batay sa mga international study, ang paghahanda para sa tamang implementasyon ng distance learning ay tumatagal ng anim hanggang siyam na buwan.

Nangako naman si DepEd Undersecetary Diosdado San Antonio, magbibigay sila ng kinakailangang pagsasanay sa natitirang 60 porsiyento ng mga guro.

“Aside from the training, there are also local initiatives from the division offices, regional offices where the teachers are also being given training activities,” sambit ni San Antonio.

Nababahala din si Tolentino sa kakayanan ng DepEd na maibigay ang mga pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga nag-enroll gayundin ang laman ng modules na ibibigay sa mga estudyante.

Tinalakay ng pagdinig ng Senate Bill No. 1460 na inihain ni Tolentino na naglalayong magbuo ng national education policy framework para sa online o broadcast learning deliver sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Layon din ng panukala na palawigin ang basic education curriculum sa pamamagitan ng pagdagdag ng function ng ng Bureau of Learning Delivery kung saan dapat isama sa kanila ang distance education at online learning.

“The purpose of the bill is to integrate existing effort, which are relatively scattered today. So the functions of existing bureaus, such as the Bureau of Learning Delivery, BS Services and ICTS, will now be more or less integrated into just one bureau, to make it more sustainable,” paliwanag ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?