45

Dec 17, 2020 @ 15:10
By

Tolentino: Rizal dagdagan ng 2 distrito, Calaca gawing lungsod

Isinusulong ngayon ni Senador Francis Tolentino ang isang panukala na magdadagdag ng dalawa pang distrito sa lalawigan ng Rizal at ang pag-convert ng bayan ng Calaca, Batangas bilang isang lungsod.

Sa kanyang sponsorship speech sa Committee Report No. 52 ng House Bill No. 6222 at Senate Bill No 1826, sinabi ni Tolentino na ‘underrepresented’ ang Rizal sa kabila ang lumalaking ekonomiya at populasyon nito.

Sabi nito, layunin ng panukala na hatiin sa tatlong distrito ang second legislative district ng Rizal. Mananatili sa ikalawang distrito ang bayan ng ardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-Jala, Pililia at Teresa.

Magiging ikatlong distrito na ang bayan ng San Mateo at ikaapat na distrito naman ang bayan ng Rodriguez.

“This legislative initiative will promote proper representation, help the LGUs better respond to the needs of their constituents, and facilitate the long-term rehabilitation of the province from the effects of the pandemic,” sabi ni Tolentino.

Sabin g senador, suporta ng lalawgian ng Rial ang inisyatibong ito. Noong 2019, inaprubahan ng Sanggunian Panglalawigan ang Resolution No. 332, na humihiling sa Kamara at Senado na hatiin sa tatlong distrito ang ikalawang legislative district ng probinsiya.

Inisponsoran din ni Tolentino ang panukalang sa pag-convert ng bayan ng Calaca sa Batangas para maging isa nang lungsod.

“Calaca has met the requisites under the Local Government Code, as amended by Republic Act. No. 9009, for a municipality to be converted into a component city,” ani Tolentino.

Ang Calaca ay may average na annual income na P164,961,000 na lagpas sa required income na P100 milyon na nakapaloob sa batas.

May 105.49 sq. km. ang sukat ng land area nito na mas mataas 100 sq. km na required sa ilalim ng batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?