250
Tolentino Player of the Week ulit
Apr 8, 2019 @ 14:56
By

Tolentino Player of the Week ulit

Muling nagpasiklab si veteren skipper Kat Tolentino ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles para muling tanghaling Player of the Week ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Solo sa pang-unang pwesto (10-1) sa liderato ng torneo ang Lady Eagles sa tulong ni opposite spiker Tolentino na may 11 points mula sa tapatan nila ng FEU Lady Tamaraws noong Abril 3 at 13 markers para pangunahan ang koponan sa laban kontra sa NU Lady Bulldogs noong Abril 7.

Tuloy-tuloy parin ang pananalasa ng Ateneo na pasok na sa semifinals run ng UAAP.

“We have to challenge ourselves, it doesn’t matter who we’re playing and I think we just always have to win convincingly and we’ll learn from this,” sabi ni Tolentino.

Susunod na makakaharap ng Katipunan-based volleybelles ang kanilang rival team na defending champions De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa Abril 13 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?