175

By

Tolentino pasok sa Top 12 ng Pulse Asia survey

Patuloy ang pag-angat ni senatorial candidate Francis ‘Tol’ Tolentino sa mga botante, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia.

Sa poll na isinagawa Marso 23 hanggang 27, nasa ika-10 hanggang 16 pwesto si Tolentino, 35.7 porsyento ang pabor na mailuklok siya bilang mambabatas.

Samantala matibay naman si reelectionist senator Grace Poe sa tuktok, humamig ng 72.6 percent.

Bubuo sa Top 5 ay sina Senadora Cynthia Villar (63.7%), Senador Sonny Angara (58.5%), dating presidential top aide Bong Go (55.7%) at Pia Cayetano (52.2%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?