98
Tolentino: Pagbabalik ng bitay, gagawa ng 'chilling effect' sa mga mandarambong, drug lord
Mar 6, 2019 @ 17:37
By

Tolentino: Pagbabalik ng bitay, gagawa ng ‘chilling effect’ sa mga mandarambong, drug lord

Malaki ang paniniwala ni administration senatorial bet Francis Tolentino na gagawa ng ‘chilling effect’ sa mga gustong gumawa ng kalokohan ang pagbabalik ng parusang bitay para sa mga krimen na may kinalaman sa pandarambong at iligal na droga.

Sa isang ambush interview kasabay ng proclamation rally ng mga pambatong senatoriable ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) Lungsod ng Parañaque, sinabi ni Tolentino na ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang solusyon upang masugpo hindi lamang ang korapsyon sa pamahalaan, kundi maging sa ang mga nasa likod ng industriya ng ipinagbabawal na gamot.

“Malaking deterrent yun (pagbabalik ng bitay). Kahit sa drugs and heinous crimes,” paliwanag ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, matagal-tagal na din ang panahon sapul noong may huling nasampolan ng bitay dahil sa pagkaka-sangkot sa kalakaran ng iligal na droga, at ‘yun ay sa katauhan ng Chinese drug lord na si Lim Seng.

Si Lim Seng ay pinatawan ng military court martial noong 1973 ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa loob ng Fort Bonifacio.

Paliwanag ni Tolentino, naparalisa ang operasyon ng mga drug lords noong Dekada ’70 matapos bitayin si Lim.

“Sa kahit anong krimen, magiging malaking deterrent ang death penalty,” giit ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?