33

Sep 30, 2019 @ 13:06
By

Tolentino pabido sa resbak ng Choco Mucho vs Army

Humambalos nang 22 attacks at dalawang block pa-24 points si Katrina Mae Tolentino upang giyahan ang pagresbak ng Choco Mucho kontra first round tormentor Pacific Town Army, 25-20, 17-25, 21-25, 25-11, 15-8, sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Linggo ng hapon sa The Arena, San Juan City.

Bakas sa best player of the game si Madeleine Yrenea Madayag nang 14 markers para ipagpatuloy ng Flying Titans ang ragasa sa ikatlong sunod ng panalo sa midseason women’s volleyfest sa pananatili sa 7th sa 5-6 win-loss mark.

Walang nagawa ang 16 at 15 points nina Jovelyn Gonzaga at Royse Tubino para sa Lady Troopers na sumadsad 5th sa 6-5, mintis maduplika ang marathon game victory nitong Agosto 21.

Dumeretso naman ang defending champion Creamline sa 11 wins sa gayong daming salang sa balik-aksyon ni Alyssa Valdez, nilagot ang 5-game straight victory ng PH Air Force (5-6), 25-15, 25-16, 25-18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?