9

Dec 14, 2020 @ 19:45
By

Tolentino: Maayos na koordinasyon susi laban sa trahedya

Para kay Senador Francis Tolentino, proper coordination ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga local government unit (LGU) ang kailangan kapag may trahedya.

Bilang dating MMDA chairman, sinabi ni Tolentino na hindi dapat nagsisisihan at nagtuturuan sa mga oras ng sakuna at dapat laging handa.

“Alam mo napakahirap niyan. Kasi hindi natin alam kung kailan tatama, kung saan tatama. So talagang dapat talaga lang maghanda tayo. Lagi naman dumadaan sa atin ito,” pahayag ng senador sa panayam ni Jon Ibanez sa programang “Balitaan at Kumustahan” ng Politiko Live.

“Siguro proper coordination sila. Lalong-lalo na doon sa isang statement ng Commission on Audit na alam naman natin na itong construction month ay summer months o simula pa lang ng Enero-Pebrero kaya hindi dapat na ginagahol sa panahon kung ang tinutukoy mo ay tungkol sa flood control. So dapat talaga paghandaan ‘yan ng mas maaga.

“Natatandaan ko, wala naman sisihan, nakalusong din ako, tayo diyan a Provident Village, sa Tumana at marami pang iba. ‘Yung proper coordination at pagiging proactive ng isa’t isa ang makakatulong sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?