434

Sep 29, 2021 @ 13:07
By

Tolentino kay Duterte: ‘Wag depensahan ‘kaibigan’ sa Pharmally probe

Pinayuhan ni Senador Francis Tolentino si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa pagtatanggol sa kanyang mga ‘kaibigan’ na dawit sa bilyong kontrata na nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Subalit agad naman iginiit ng kaalyadong senador ng pangulo na ang pagdepensa ni Duterte sa kanyang mga tao ay hindi dapat ikonsidera bilang “tolerance of corruption.”

“If given a chance to advise I would probably tell him that he already made his point just let the investigation proceed and he can probably refrain from defending persons he could probably term as friends,” sabi ni Tolentino sa panayam sa ANC.

“But his defense should not be considered as a tolerance of corruption. His defense here should not be considered an unyielding or a stubborn response to an investigation but a measure of what friendship is,” dagdag nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng Senado sa transaksiyon ng gobyerno sa Pharmally na nakasungkit ng P8.6 bilyon halaga ng kontrata para medical supply noong 2022.

Ito’y sa kabila na bagong korporasyon lang ang Pharmally na may paid capital na P625,000 lamang.

Sapul nang mag-imbestiga ang Senado, panay naman ang batikos ng pangulo sa mga senador, lalo na sa chairman ng Senate blue ribbon committee na si Sen. Richard Gordon.

Sabi ni Duterte, may halong pulitika ginagawang pagsisiyasat ang Senado na pinabulaanan naman ng mga senador.

Sa panig ng Palasyo, sinabi nitong hinahanapan ng presidente ng mail ang mga senador sa pagsisiyasat sa pagbili ng diumano’y overpriced na medical supply para maprotektahan ang mga idinadawit opisyal ng gobyerno.

Subalit sabi ni Tolentino, dahil may ‘separation of powers’, dapat magrespetuhan na lang ang ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?