324

By

Tolentino kay Duque: Alisin ang takot ng publiko sa ASF

Dapat umanong maglabas si Department of of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ng kasulatan na nagsasabing walang anumang epekto ang African Swine Fever (ASF) sa mga tao.

Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino matapos nitong gisahin ang mga opisyal ng DOH sa budget hearing ng panukalang pondo ng ahensiya nitong Huwebes sa Senado.

Sa pagtatanong ni Tolentino kay Duque, lumabas na wala umanong epekto ang ASF sa mga tao, taliwas sa iniisip ng marami.

“Ano ba ang possible effect kapag kumain ka ng pork na may ASF? Kasi ang US government issued a statement, hindi daw natin nako-control ang sakit nitong mga baboy, so ano ba ang epekto kapag kumain ka nito?” tanong ni Tolentino.

Sagot naman ni Duque, wala umanong direktang epekto ang ASF sa mga tao. “Wala hong mangyayari, wala pong ebidensya na magpapakita na African Swine Fever can cause disease in human health,” sabi ni Duque.

Dahil dito sinabi ni Tolentino na dapat maglabas ng pahayag ang DOH kaugnay sa isyu para maiwasan ang public scare na siya na ngang nangyayari ngayon.

“So perhaps you can issue a statement kasi ‘yung sa Antipolo, Rizal nag-aaway-away na, sumali pa ngayon ‘yung ilang international agencies,” ani Tolentino.

“Makakatulong itong public statement n’yo para magkaroon naman ng kapanatagan ng loob ang mga tao,” dagdag pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?