57

By

Tolentino: Ex-DOTr Sec. Abaya dapat managot sa MRT scam

Naniniwala si administration senatorial bet Francis Tolentino na dapat umanong papanagutin ang dating pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa mga aberyang dinadanas sa kasalukuyan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa programang Harapan ng ABS-CBN nitong Linggo ng gabi, wala umanong dapat sisihin dahil sa mga insidente ng pagtirik ng mga bagon ng MRT 3 kundi si dating Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya.

“Yung DOTr po dati siguro. Sila Abaya, yung mga dating magkakasama sila dun,” paliwanag ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, katakot-takot na problema ang inabot ng mga bagon at riles ng MRT 3 sapul ng palitan ng DOTr sa ilalim ni Abaya ang maintenance service provider nito na Sumitomo Corporation ng mga grupo ng mga local contractor na wala namang karanasan sa pag-mementena ng nasabing mass transit system.

Paliwanag pa ni Tolentino, hindi sana napabayaan ang daily maintenance ng MRT 3 kung hindi pinalitan ng grupo nila Abaya ang Sumitomo.

Si Abaya ay kasalukuyang nahaharap sa kasong katiwalian dahil maanomalyang P3.81-bilyong kontrata na pinasok ng DOTr sa Busan Railways na pinili nitong kapalit ng Sumitomo kahit walang pormal na bidding process.

Bukod sa iregularidad sa bidding, wala din umanong sapat na pondo at kakayahan ang Busan Railways upang maging maintenence service provider ng MRT 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?