31

Jul 17, 2021 @ 20:30
By

Tolentino didribol sa University of Cincinnati

MAUGONG ang pangalan ni Hawaii-born Filipino Sage Tolentino matapos magsaad ng paglalaro para sa US NCAA Division I program University of Cincinnati.

Kasalukuyang humahawak kay Tolentino ay ang agent din ni Kai Sotto.

“I am humbled and blessed that I will be committing to the University of Cincinnati,” post ni Tolentino sa kanyang Instagram.

Pambatong sentro ng Hamilton High School sa Ohio, si Tolentino ang unang high school prospect na nag-anunsiyo ng pagsali sa Bearcats sa ilalim ng liderato ng bagong coach na si Wes Miller.

“Thank you to coach Wes Miller, Coach Chad Dollar, and the entire coaching staff for believing in me,” ani Tolentino.

Nauna nang nagsabi ang 7-foot center sa D1 program Auburn University.

Pinangunahan ni Tolentino ang Maryknoll High School sa Honolulu, Hawaii sa dalawang sunod na state championships.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?