198
Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure
Aug 23, 2019 @ 19:17
By

Tolentino, Choco Mucho hahambalusin ang Chef’s

Pipilitin ni Kat Tolentino at Choco Mucho Flying Titans na makabalik sa win column kaya papatirin ng mga ito ang Chef’s Classic Lady Red Spikers alas-4 Sabado ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Ibubuhos ng Flying Titans ang lahat upang makaahon sa pagkalugmok na kanilang sinapit sa kamay ng Pacific Town Army Lady Troopers nitong Miyerkoles, 41-39, 25-19, 19-25, 20-25, 12-15.

Kulang ang 23 points ni Tolentino gayundin ang 15 markers ni middle attacker Maddie Madayag.

Samantala, galing rin sa pagkatalo ang Chef’s Classic kung saan winalis ang mga ito ng Creamline Cool Smashers, 12-25, 5-25, 15-25.

Walang Lady Red Spikers ang nakaabot sa double digits, pitong puntos lang ang naitala ni Nieza Viray at limang puntos naman para kay Jinggay Bangad.

Sa kasalukuyan, 1-1 win loss record ang marka ng Choco Mucho habang wala pang napapanalo ang Chef’s Classic sa dalawa nitong laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?