26

By

Tolentino bumida, FEU sinuwag ang DLSU

Sharing is caring!

Nanguna si Arvin Tolentino para sa Far Eastern University Tamaraws upang makatakas sa De La Salle University Green Archers, 68-61, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Linggo ng hapon, Setyembre 9.

Nagawang lumamang ng La Salle sa 4th quarter, 56-55. Ngunit biglang bumalikwas ang Tams sa bisa ng tres ni Tolentino na nagselyo ng 13-5 run at naging pangunahing dahilan sa pagkapanalo ng FEU.

“Maganda na iba ‘yung pakiramdam. We got our first win of the season,” ani Tamaraws head coach Olsen Racela.

Pinangunahan ni Tolentino ang Tamaraws na mayroong 13 puntos samantalang nagdagdag naman sina Kenneth Tuffin at Axel Iñigo ng pinagsamang 21 na marka.

Gumawa ng 19 puntos si Santi Santillan para sa La Salle ngunit nalimitahan naman si Aljun Melecio na mayroon lamang 11 puntos.

Sunod na makalalaban ng Tamaraws ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa Wednesday, September 12, sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?