185
Tolentino, Ateneo lalamunin ang Adamson
Apr 23, 2019 @ 15:28
By

Tolentino, Ateneo lalamunin ang Adamson

Ganado si opposite spiker Kat Tolentino at ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles na pabagsakin ang Adamson University (AdU) Lady Falcons sa kanilang 4pm duel sa second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Tanging anim na puntos lamang ang naitala ng veteran skipper kontra sa defending champions DLSU Lady Spikers noong Abril 13 kung saan ay winalis sila ng defending champions 17-25, 13-25, 23-25.

Nais makabawi ng Ateneo volleybelles upang manatili sa tuktok ng standings kaya babawi si Tolentino. “To still go all out. We still want that first-place and we can still get it,” aniya.

“We’re not gonna change anything. We’re gonna keep practicing right because that’s really where the wins come from.”

Galing din sa pagkalugmok ang kampo ng Lady Falcons kontra sa UE Lady Warriors 14-25, 19-25, 22-25 sa parehas na araw.

Tanging si ace spiker Bern Flora lang nakaabot sa double digit output na humataw ng 10 points samantalang pitong puntos lang ang naihatid ni veteran middle blocker Joy Dacoron para sa kanilang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?