63

By ,

Tolentino, Ateneo kinatay ang UP

Mabilisang tinapos ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles ang tinaguriang ‘Battle of Katipunan’ kontra University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa loob lamang tatlong set 25-23, 25-16, 25-23 Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena sa second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball action.

Gitgitan ang laban ng dalawang tropa sa first set kung saan halos nagpalitan lang ang mga ito ng puntos bago tuluyang kumalawa ang Lady Eagles at nakawin ang unang set.

Mas naging masaklap naman ang second set para sa Lady Maroons nang uminda ng injury sa kaliwang tuhod ang isa sa mga ace player nito na si Isa Molde nang napasama ang bagsak nito at tumama sa likod ng libero na si Mary Bautista.

Mula rito ay lumamlam na ang laro ng Lady Maroons na umabot pa ng 11 puntos ang tambak nila, 14-3, na talaga namang sinamantala ng Lady Eagles hanggang sa dominahin na nila at selyuhan ang second set, 25-16.

“We’re happy we won but of course, as I always tweeting about it na safety through all UAAP season, no injuries. I think Isa is okay. Well we will take this, we really prepared for this. I know my players really prepared for this, they sacrificed a lot and kailangan lang talaga namin consistency,” sabi ni coach Oliver Almadro sa postgame interview.

Umalagwa para sa Lady Eagles si Kat Tolentino na pumalo ng 15 puntos habang bumakas naman ng 10 puntos si Maddie Madayag para sa tropa.

Sinubukan namang bumangon at bumawi ng UP para maipwersa pa sa isang set sa laro nang unang iposte nito ang 2-0 sa third bago mabaligtad at muli naman umangat ang Ateneo sa 8-5 sa first technical timeout nito.

Nagtuloy-tuloy ang dominasyon ng Lady Eagles bago muling malipat ang momentum sa Lady Maroons ng lumamang ito, 14-13 sa magkasunod na palo ni Marian Buitre at muli namang naitabla sa 18 ang laro sa likod ng quick ni Jessma Ramos pero hindi ito sapat nang tuluyan tapusin ng attack kill ni Jules Samonte ang laban, 25-23.

“We’re happy that we won and we thank the Lord for everything and we always pray for safety of everybody and particularly recovery of Isa,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?