259
Tolentino, Ateneo kakatukin unang ‘W’
Feb 19, 2019 @ 15:05
By

Tolentino, Ateneo kakatukin unang ‘W’

Mga Laro sa Miyerkoles/Pebrero 20
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
2:00pm – ADMU vs UST
4:00pm — UP vs FEU

Susubukan ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles na kunin ang kanilang unang panalo sa balik paluan ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kontra University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi pinalad ang mga taga-Katipunan na manalo sa defending champions DLSU Lady Spikers noong Linggo sa loob ng apat na set 25-14, 25-17, 16-25, 25-19.

Tanging si Kat Tolentino lang ang nakapagtala ng double digits para sa Ateneo sa kinamadang 16 points.

Naging matindi naman ang naging unang laban ng Golden Tigresses dahil sumabak agad ang mga ito sa 5-set match kontra Adamson University nito ring Linggo bago itakas ang 25-21, 25-21, 26-24, 26-24, 15-6 tagumpay.

Napakitang-gilas agad ang rookie player ng Uste na si Eya Laure at beteranong si Sisi Rondina para pangunahan ang kanilang koponan.

Parehas nakapagbigay sina Laure at Rondina ng tig-17 points para makaligtas sa opening game ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?