710
Tolentino alis na sa Ateneo Lady Eagles
May 19, 2019 @ 15:54
By

Tolentino alis na sa Ateneo Lady Eagles

Tapos iuwi ang kampeonato pabalik sa Loyola Heights nitong Sabado ng hapon, nagdesisyon si Best Opposite Hitter Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino na ‘di na gamitin ang kanyang huling playing year para sa Ateneo Lady Eagles.

Pinasya ng 22-year-old, 6-foot-2 Fil-Canadian ang bagay kinagabihan ng Mayo 18, ilang oras pagkaraan ng 25-17, 25-22, 25-22 desisyon sa winner-take-all Finals Game 3 kontra Sto. Tomas Golden Tigresses sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

“How blessed and thankful I am that I’m not just an athlete who had three ACL injuries. I am fine by saying that I am an athlete who had three ACL injuries, one absolutely unforgettable championship, and one Ateneo family forever,” hayag ni Tolentino sa loob ng Church of the Gesu sa Ateneo, Quezon City.

At kahit pa humihirit ang mga Atenean ng ‘One more year’, ipinarating ni Tolentino na oras na nito upang mamaalam.

“This is Kat Tolentino, number ten, signing off,” giit niyang panapos.

Magugunitang naging parte ng 2016-17 first runner-up at 2017-18 second runner-up ADMU teams ang balibolistang kilalang kabilang sa ilang girl tower ng kanyang eskuwelahan.

Malaking tulong din si Tolentino para sa Ateneo volleybelles ngayong season na may career-high 14.2 point per game at nitong huli lang ay may 15 points sa Game 3 finals.

At para sa marami siya ang tunay na Finals MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?