77

Nov 30, 2021 @ 22:29
By

Tolenada may utang kay Maraño

Ibinahagi ni veteran setter Iris Tolenada na malaki ang naitulong sa kanya ni Abigail ‘Aby’ Maraño at ng ilan pang balibolista sa kanyang pagbabalik court matapos ang halos dalawang taon na pagkakagarahe.

Katuwang si Tolenada ng F2 Logistics na nagkampeon sa 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions sa Lipa, Batangas nitong Nob. 20-25.

“From national team to F2, she (Maraño) has been such a great inspiration, leader, a great friend and just a rock for everyone, especially helping me and it translate on the court, I think,” sey ni Tolenada sa “The Game” ng One Sports Lunes.

Bago ang Champions League at 21st AVC Asian Women’s Club Championship sa Thailand noong Okt. 1-7, huling humambalos ang 5-foot-8 setter sa 2019 Premier Volleyball League Open Conference.

Ayon pa sa Champions League Best Setter, malaking tulong rin sa kanyang pagbabalik sina Filipino-Americans skipper Tyler Marie Kalei Mau at MJ Phillips.

“Just an honor to play with her (Mau). And also being a Fil-Am, she has helped me a lot and introduced me to F2 and how we play here,” panapos na litanya ni Tolenada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?