25
mount-fuji

Tokyo, posibleng maparalisa kapag sumabog ang Mt. Fuji

Sharing is caring!

Maaari umanong mahirapan ang Tokyo kung sakaling pumutok ang Mount Fuji ng Japan.

Ayon sa lumabas na government disaster planning study, mababalot ng abo, mababarahan ang mga daan at hihinto ang supply ng tubig sakaling sumabog ang nasabing bulkan.

Ang Mt. Fuji ay simbolo ng Japan, ito rin ang pinakamataas na bulkan sa naturang bansa at isa ring aktibong bulkan.

Huli itong sumabog noong 1707, pero kahit wala itong pinapakitang sintomas ng pagiging aktibo, posible itong magpakalat ng higit sa 10 centimetres na abo sa Tokyo, ayon sa Kyodo news agency.

Sa pag-aaral, nabatid na ang 0.5 centimetre ng abo ay kaya nang makadulot ng mechanical problems ng mga sasakyan habang ang sobra sa isang centimetre ay makakapagdulot na ng mass power outages at kawalan ng water filtration systems, ayon pa sa Kyodo.

Kinumpirma ni Noriko Urata, ang official in charge sa disaster research, na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibleng magiging epekto ng pagsabog ng bulkan at naghahanda na rin ng mga aksiyon na gagawin sakaling mangyari ang nasabing senaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?