7

Oct 1, 2020 @ 22:09
By

Tokyo Olympics hindi na iaatras

Siniguro ni Tokyo 2020 President Yoshirō Mori na tuloy ang pagsasagawa ng 32nd Summer Olympic Games at 16th Paralympic Games sa sunod na taon anuman ang mangyari.

“No matter what happens, we will be able to hold the Olympics,” giit ni Mori sa inorganisang party ng isang faction ng Japan ruling Liberal Democratic Party.

Kasalukuyan na isinasagawa ng organizers ang mga aksiyon para masigurong maayos na tatakbo ang quadrennial sportsfest kahit na nasa gitna ng Covid-19 ang mundo.

Binuo rin ang isang coronavirus counter measures taskforce na buhat sa Japanese Government, Tokyo Metropolitan Government at Tokyo 2020.

May entry ban sa kasalukuyan ang Japan sa 159 bansa at rehiyo, pero inaasahang paluluwagin ito bago matapos ang Oktubre.

Kumpiyansa rin si International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach ng Germany maisasagawa ang paligsahan.

“The successful staging of the International Cycling Union Road World Championships in Italy last week gave me a lot of confidence,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?