60

Mar 7, 2021 @ 13:05

”Tokhang-style’ na crackdown vs. aktibista kinasa, 3 tigok’

Nagsagawa umano ang mga kapulisan at sundalo ng “Tokhang-style” na crackdown laban sa ilang progresibong lider sa Calabarzon kaninang umaga. Tatlong katao ang nasawi.

Ayon sa Facebook post ng Karapatan Timog Katagalugan, March 7, ni-raid ang Workers’ Assistance Center sa Dasmariñas, Cavite.

“Pinatay ang BAYAN Cavite coordinator Manny Asuncion,” anila.

Nagkaroon din anila ng putukan sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal kung saan namatay sina Michael Dasigao at Makmak ng Sikkad Montalban, isang grupo ng mga urban poor.

Samantala, ayon pa sa Karapatan TK, “inaresto at tinaniman” ang mga sumusunod na indibidwal:

Laguna
– Steve Mendoza, EVP ng Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (Olalia-KMU)
– Mags Camoral, tagapagsalita ng BAYAN Laguna at dating pangulo ng unyon sa F-Tech
– Nimfa Lanzanas, paralegal aide sa mga political prisoner, Kapatid TK

Rizal
– Tatay Moises, peasant leader
– Dodong “Bagsik”, peasant leader

Nasugbu, Batangas
– Chai Lemita-Evangelista, lider-mangingisda
– Raymart Evangelista, lider-mangingisda
– Ariel Evangelista, lider-mangingisda
– Lino Baez, BAYAN Batangas coordinator

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?