7
ABANTE winnie winston castelo suporta tokhang relaunch
By

Tokhang relaunch, suportahan – Castelo

Sharing is caring!

Hindi umano dapat katakutan at sa halip ay dapat suportahan ang muling paglulunsad ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Naniniwala si Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila Development na natuto na ng leksiyon ang mga pulis at ang administrasyon sa naunang Tokhang operations.

Ipinakita rin naman anya ng PNP kung paanong nilinis ang hanay nito mula sa mga scalawag na siyang dahilan kung bakit nabahiran ang kampanya kontra iligal na droga.

“The presence of rotten elements in the police force gave Tokhang a bad reputation but a thorough cleansing undertaken within the PNP has enhanced the professionalism within the ranks,” ani Castelo.

Sabi pa ni Castelo, lumabas rin sa mga pagdinig ng Senado at Kamara na walang state-sponsored extrajudicial killings (EJK) sa naunang Tokhang.

Ayon sa kongresista, panghahawakan niya ang pangako ni PNP chief Ronald dela Rosa na titiyaking walang mga pulis na aabuso sa Oplan Tokhang reloaded. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?