40

Jan 11, 2018 @ 21:53
By

‘Tokhang’ part 3 posible – NCRPO

Ngayong nagiging aktibo muli ang pulisya sa anti-drug campaign, inamin ni NCRPO Director Oscar Albayalde na may posibilidad na muling mabuhay ang ‘Oplan Tokhang’.

Ngunit nilinaw ni Albayalde na mas tututok na sila sa pangungumbinsi sa mga drug personalities na talikuran na ang bisyo.

Kasabay nito, muling pinabulaanan ng opisyal na ‘Death List’ ang Tokhang dahil marami sa mga namatay na suspected drug personalities ay kabilang sa mga sumuko dahil sa naturang programa.

Natigil lang ang matinding patayan nang buwagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP Anti-Illegal Drugs Group.

Kapansin-pansin na nang ibalik ang PNP sa kampanya kontra droga ay muling umariba ang mga kaso ng ‘death under investigation.’

Muling inalis sa pambansang pulisya ang kampanya at ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency at nagkaroon ng malaking pagbaba sa bilang ng mga napapatay sa anti-drug operations.

Ngayon ay muling ibinalik ni Pangulong Duterte ang PNP sa kampanya dahil nakulangan ito sa resulta ng mga operasyon ng PDEA. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?