27

By

Tokhang operations mananatili pa rin – Albayalde

Mananatali ang mga programang iiwan ni outgoing chief ng Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at umano’y itutuloy at hindi papalitan ni incoming Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay bagong PNP Chief Albayalde, ipagpapatuloy niya ang mga programa ni General Dela Rosa partikular na ang war against drugs o Tokhang at mananatiling Tokhang pa rin.

Tulad ng mga nagaganap sa Tokhang ay magiging pino lamang ngunit hindi naman partikular na hindi magiging madugo ang kampanya kontra sa ilegal na droga ngunit tinitiyak nito ang kaligtasan ng kanyang mga kabaro.

Una nang sinabi ni Albayalde na kapag nalagay sa peligro ang buhay ng mga pulis o kapag may nanlaban na mga drug personalities sa mga anti-drug oeprations, hindi padedehado ang mga pulis.

Kailangang mailagay sa disiplina ang mga kapulisan at malaman ang tamang gagawin sa oras ng peligro.

Samantala, wala pang napipisil na ipupuwesto si Albayalde na kapalit sa kanyang iiwang puwesto sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?