51

By

ToFarm Film Festival 2018 extended ng 1 linggo

Kung hindi ninyo napanood ang ilang entries sa ToFarm Film Festival 2018, mayroon pa kayong chance dahil extended ito ng isang linggo.

Mapapanood muli ang apat na entries dito mula September 26 to October 2 sa Gateway, Greenbelt 1, at Trinoma.

Kabilang sa apat na pelikula ang ‘Tanabata’s Wife’, ‘SOL Searching’, ‘Alimuom’, at ‘Mga Anak ng Kamote’.

Ang Mga Anak ng Kamote ay tinatampukan nina Katrina Halili, Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevarra, at iba pa sa pamahala ni Direk Carlo Enciso Catu.

Sina Ina Feleo, Epi Quizon, Mon Confiado, Dido Dela Paz, Elora Españo, at Kiko Matos ang tampok sa pelikulang Alimuom ni Direk Keith Sicat na nanalong 3rd Best Picture.

Samantalang sina Pokwang at Joey Marquez naman ang lead stars ng ‘SOL Searching’ ni Direk Roman Perez.

Ang Tanabata’s Wife naman ang most awarded entry this year sa ToFarm. Actually, hinakot ng pelikulang ito na pinamahalaan nina Charlson Ong, Lito Casaje, at Choy Pangilinan ang karamihan sa award sa ToFarm.

Kabilang sa major awards na nakuha ng Tanabata’s Wife ang Best Picture, Best Director; Best Actor para kay Miyuki Kamimura; at Best Actress for Mai Fanglayan.

Ang ToFarm ay mula sa pamumuno at vision ni Dr. Milagros How, presidente ng Universal Harvester Incorporated. Kabilang sa bumubuo ng jury ng 3rd ToFarm filmfest sina Manet Dayrit, Sigrid Andrea Bernardo, Moira Lang, at Jerrold Tarog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?