35

Oct 12, 2020 @ 17:46
By

Todo toma matapos mag-champion: Kuzma lasing sa interview

Hindi mawawala ang alak sa bawat selebrasyon, lalo na kapag nasungkit mo lang naman ang unang kampeonato mo sa NBA.

Kaya naman hindi na nakakagulat kung mapainom agad si LA Lakers forward Kyle Kuzma matapos ang Game 6 ng NBA Finals.

Sa interview, humarap si Kuzma na nakahubad at pupungay-pungay ang mata.

Ang salarin? Tila napasobra pala ng alak ang 25-years old forward.

“It’s still sinking in. I’m half drunk right now from all the champagne so I don’t know how to act right now exactly,” tugon ni Kuzma nang tanungin kung anong pakiramdam sa kanyang unang kampeonato.

Naging tampulan ng tukso ang nasabing manlalaro sa postseason, ngunit hindi maikakaila ang umaapaw na talento ni Kuzma na nag-average ng 18.7 points at 5.5 rebounds sa 2018-19 NBA season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?