31

May 13, 2021 @ 11:33
By

Todo support! Rabiya kinilig kay Kathryn

Ilista na si Kathryn Bernardo bilang isa sa mga tagahanga ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Binahagi ni MJ Lastimosa, dati ring sumalang sa Miss Universe, ang sweet message ng Kapamilya actress para kay Rabiya.

“Labanan nyo ang surprise video ko for Rabiya hahaha! Kinilig nanaman siya eh. Go Philippines!!!” sey ni Lastimosa sa video greeting ni Bernardo para sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Kaagad na nag-congratulate si Kathryn kay Rabiya, at sinabi nitong kahit anong mangyari ay magiging proud ang mga Pinoy sa beauty queen.

“I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant but know that the whole Philippines and every Filipino will be cheering for you that day. Ngayon pa lang, we’re very very proud of you,” sey ni Kathryn.

“Whatever happens, proud kami sa’yo. I just wish you all the best. Just do you. Just enjoy the journey and kami nang bahalang mag-cheer sa’yo dito,” aniya pa.

Hiling din ni Kathryn na magkita sila ni Rabiya soon.

Binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram story ang video greeting sa kanya ni Kathryn.

Sa May 17 na sasabak si Rabiya sa Miss Universe 2020 na gaganapin sa Florida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?