39

Jul 19, 2021 @ 10:23
By

Todo pasalamat kay Lord! Romeo hindi malala injury

Nakahinga ng maluwag si San Miguel star Terrence Romeo matapos tumunog ang kanyang tuhod sa kanilang unang laban sa 2021 PBA Philippine Cup.

Sa Instagram story ni Romeo, nagpasalamat ito sa Panginoon matapos sumailalim sa test para malaman kung anong naging tama ng kanyang tuhod sa laro kontra Meralco.

“Thank you Lord so much!!!” ayon kay Romeo.

Sa tweet ni Charles Tiu, napag-alaman na hyperextended knee lang ang naging injury ni Romeo, at walang napunit na muscle o naapektuhang buto sa kanyng tuhod.

Sa nasabing laban, tumapos si Romeo tangan ang 18 points at three rebounds bago lumabas sa court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?