303

By

Todo-ngiti si Curry sa pagsakay sa jeepney

Sharing is caring!

Matapos ang tatlong taon, nagbalik-Pilipinas ang NBA superstar at Golden State Warriors ace player na si Stephen Curry bilang bahagi ng kanyang Asian Tour.

Nakipaglaro ito sa ilang piling batang manlalaro at bukod dito ay naranasan niya ring sumakay na pampasaherong jeep, isa sa mga tatak ng mga Pinoy.

“He has nothing to say, he was just all smile,” saad ng isang crew member ng kanyang PH team.

Nagsimula ang tour ng two-time NBA Most Valuable Player Biyernes nang makisalamuha sa mga miyembro ng media sa isang press conference sa Kerry Sports Gym sa BGC at dumiretso sa Under Armour 3×3 Finals sa MOA Arena.

Magiging bahagi rin ng opening ceremony ng UAAP men’s basketball season ngayong Sabado si Curry.

Nasa bansa ngayon ang basketbolista para i-promote ang kanyang bagong sapatos na Under Armour Curry 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?