80

Oct 3, 2020 @ 11:02
By

Toby Tiangco kinondena pagpugot sa Navotas traffic enforcer

Labis ang poot na naramdaman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco matapos isilid ang pugot na ulo ng isang traffic enforcer sa ice box at iniwan sa Sta. Cruz, Maynila.

Saad ni Tiangco sa isang pahayag, dapat ay agarang mahuli ng pulisya ang sangkot sa karumal-dumal na pagpaslang kay Oliver Ignacio, na isa ring Navy reservist.

“I condemn in the strongest possible terms the murder of Oliver Ignacio, one of the City’s traffic enforcers,” lahad ni Tiangco.

“I urge our law enforcement officers to capture the perpetrators soon. This senseless disregard for human life should be meted out with the punishment it deserves,” aniya pa.

Nadiskubre ng dalawang tricycle driver ang ulo ng biktima nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa pinsan ni Ignacio, dinukot ang traffic enforcer sa Navotas impounding area bago natagpuan ang bangkay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?