302
TNT vs SMB Game 4, sold out kahit maraming bakanteng upuan?
By

TNT vs SMB Game 4, sold out kahit maraming bakanteng upuan?

Sentro ng usapan ngayon sa social media ang napansin ng isang sports scribe sa Game 4 ng SMB vs TNT Comm’s Cup finale.

Tanong ni Nap Gutierrez (@dbuzzketball), bakit dineklarang soldout ng Smart Araneta Coliseum ang laban gayong marami pang bakanteng upuan sa Upper Box at General Admission section?

Hindi niya maisip dahil nasa 20K pataas ang maximum capacity ng coliseum, ngunit hindi pa umano umabot sa 15K ang nanood sa Game 4.

Hinalintulad pa ni Gutierrez ang nakaraang UAAP finals sa pagitan ng Ateneo at UP na nilarawan niyang ‘literal na sold out’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?