94

Jul 25, 2019 @ 16:43
By

TNT vs Ginebra, mas mahirap kaysa dadaanan ng SMB – Santos

Kahit sino – ‘yan ang naging tugon ni Arwind Santos sa kung sino sa Blackwater o Rain or Shine ang nais nilang makaharap sa semis.

Sa panayam kay Santos matapos ang down the wire 90-88 victory kontra NorthPort, sinabi ng San Miguel forward na mas higit na mahigpit ang labanan sa kabilang bracket.

“Kahit sino sa kanilang dalawa. Kailangan pa rin naming paghandaan pero nakakatuwa naman. Compare dun sa kabilang side na talagang mas malakas, Ginebra tsaka Talk N Text,” ayon kay Santos.

Ngunit bumawi naman si Arwind na sinabing hindi nila minamaliit ang posibleng makaharap at paghahadaan kahit sino ang makaharap.

“Ang maganda sa San Miguel ngayon, tumataas na ‘yung level of conditioning naming, nakukuha na namin,” saad pa ng beteranong manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?