30

Oct 17, 2021 @ 20:20
By

TNT tinambakan SMB, abante sa finals

Sinakyan ng TNT Tropang Giga ang naglalagablab na kamay ni RR Pogoy at Mikey Williams tungo sa 97-79 paggiba sa San Miguel Beermen sa game seven ng kanilang semis series upang umabante sa finals ng 2021 Philippine Cup.

Tumapos si Pogoy ng may 27 points tampok ang apat na tres kung saan karamihan dito ay binuhos niya sa second half kung saan kinontrol ng TNT ang laban.

Samantala, si Williams naman na umiskor ng 20 points at nagtala ng anim na assist ang nagdala ng bandera ng Tropa sa first half.

Sinubukan ni June Mar Fajardo na buhatin ang Beermen sa kanyang 22 points, habang may 15 points pa si Chris Ross ngunit dalawang puntos lang ang naiambag ni Mo Tautuaa habang walang nagawa si Marcio Lassiter.

Dahil sa panalo, magtatagpo ang TNT at Magnolia Hotshots sa best-of-seven finals.

Ito rin ang unang playoff series win ni Pogoy sa kanyang karera kontra San Miguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,