28

Oct 26, 2020 @ 14:12
By

TNT purnada laban sa NorthPort

NAUNSIYAMI ang pagkakataon ng natatanging koponang nananatiling walang talo na TNT Tropang Giga sa inaasam na pagsungkit sa unang silya sa quarterfinals matapos kanselahin ang laban nito Lunes ng hapon sa eliminasyon ng 2020 PBA Philippine Cup sa loob ng bubble sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Inihayag mismo ng Office of the PBA Commissioner na “Game between@NorthPortPH and @TNTTropangGIGA today is CANCELLED and will be rescheduled to a later date. Game between @fuelmasters and @ArangkadaNLEX will PROCEED at 6:45pm. Thank you.”

Kasalukuyang nasa isolation ang buong koponan ng Tropang Giga at pansamantalang “confined to room” matapos na maging close contact ng isang player ng Blackwater, na unang napaulat na nagpositibo sa coronavirus sa isinasagawang routine test ng liga bilang pag-iingat at pagsunod sa atas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Samantala’y lumabas na negatibo nitong Lunes ang resulta sa Blackwater player sa isinagawa ditong RT-PCR test.

“We would like to report that the RT-PCR test taken by the Blackwater player Sunday yielded a NEGATIVE result. He also tested negative on antigen yesterday,” ayon pa sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?