37
tnt
Jun 1, 2018 @ 19:27

TNT pinatirik ang Columbian Dyip

Ginutay ng TNT ang Columbian, 123-95, para madagit ang ikalawa nilang sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo, umakyat sa tuktok ng standings ang KaTropa at sinaluhan ang Rain or Shine sa 5-1 record, habang laglag sa ikalawa nilang pagkatalo ang Dyip tangan na ang 3-4 record.

Nakakuha ng suporta ang TNT sa halos lahat ng kanilang players kung saan anim dito ay tumapos na may tig-11 points.

Kumaripas agad sa first quarter ang KaTropa sa bisa ng 14-2 run kaya’t namaga agad sa 19 points ang abante ng koponan sa pagtatapos ng period, 36-17. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?