19

Aug 1, 2021 @ 22:44
By

TNT pinalubog Phoenix

Sumandal ang TNT Tropang Giga sa matikas na fourth quarter upang maibulsa ang 84-80 panalo kontra sa Phoenix Super LPG nitong Linggo sa PBA Philippine Cup.

Kontrolado ng Phoenix ang kabuuan ng laban bago magpakawala ang TNT ng 10-0 run sa gitna ng fourth quarter upang makuha ang lamang, 80-77, at mula rito’y hindi na pinakawalan ang abante upang masiguro ang panalo.

Ang tip-in ni Troy Rosario ang nagpalamang sa TNT, 82-80, na naging sapat para sa kanilang ikatlong panalo sa tatlong laban. Nagtapos si Rosario ng may 15 points at walong rebounds.

Binuhos din ni RR Pogoy ang pito sa kanyang 13 points sa fourth period upang makatulong sa panalo, habang 10 points at siyam na assists naman ang ambag ni Jayson Castro.

Si Matthew Wright ang bumandera sa Phoenix sa kanyang 15 points, habang may 14 points pa si Jason Perkins ngunit nanlamig na sila sa huling yugto ng laban. Laglag sa 1-4 ang kartada ng Phoenix. (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,